Biyernes, Pebrero 28, 2020

Ang Kasaysayan ng Pagdating ng Mahal na Ina del Pilar sa Cavite




Taong 1623 nang unang masilayan ng mga Pilipino ang banal na imahen na ito ni Maria sa taguring Del Pilar sa Pilipinas mula sa Zaragoza, Espanya ito ay dinala dito ng isang Paring Rekoleto na may malalim na Debosyon sa Mahal na Birhen del Pilar. Ang paring ito ay si Fray Martin Lumbreras Sanchez Perez Peralta

Taong 1632 nang maglayag si Fray Peralta patungong Bansang Hapon upang ipagpatuloy ang pagmimisyon doon, Kasama ang isa pang Paring Rekoleto, siya ay sinunog ng buhay sa nasabing Bansa, Taong 1989 nang iproklamang Banal o Beato si Fray Martin.
Ang Imahen ng Mahal na Birhen del Pilar ay nanatili sa isa sa mga simbahan sa Intramuros hanggang sa taong 1694 kung kailan napagpasiyahan ng mga Pari na ilipat ito sa Hacienda de Imus, upang doo'y pagawan ng isang Kapilya na siyang pagluluklukan nito.

Ang imahen ay nanatili sa Cuartel ( Ngayo'y Punong Opisina ng Kapulisan sa Cavite) habang ginagawa ang simbahan. Taong 1779 nang ilipat ito sa bago nitong simbahan, 1795 nang itatag ang Parokya ng Imus na ang Patrona ay ang Mahal na Birhen del Pilar at si San Juan Bautista.

Taong 1961 sa bisa ng Christi Fidelium ay itanatag ang Diyosesis ng Imus na siyang sumasakop sa buong lalawigan ng Cavite kasabay nang pagkakatatag ng Diyosis ay itinalaga din ang NUESTRA SEÑORA DEL PILAR bilang PATRONA PRINCIPAL at PATRONA TITULAR nito.